Monday, July 30, 2007

My First...

This is my first blog & honestly, I do not know where it will go from here.
Time will tell...

Before anything else, I want to thank the following bloggers for being my inspiration (wala silang alam) and create my own, namely:

Sexy Nomad - I was searching for "Reyna ng QC" lyrics when I landed to her site. Aside from being pretty and sexy, I really admire her for being so true and creative.

Badoodles - This is one blogger that I'm dreaming of to meet one day (in my dreams talaga..haha). Nakakatuwa kse talaga mga kwento nya. His intelligence is outpouring with his funny posts. Hindi ako agree na kwentong barbero lang ang mga iyon...kwentong genius dapat...

Nelo - Equally funny as badoodles. Related kaya sila?

To the three of you, salamat talaga. Sana mai-link nyo rin ako someday at maging close tayo. Please???

Sabi nila first time is always exciting and unforgettable. first day of school, first kiss, first bf, first sexperience (haha)...at lahat ng klase ng first...

First day of school...3rd year high school ang pinaka-memorable sa akin kse first menstruation ko din yun. Sabi ko sa sarili ko bakit ba naman sa dami ng araw na pwede sya dumating bakit nun pa. Uwi tuloy ako ng maaga dahil nagka-stain skirt ko, bago pa naman. Sayang pa effort ng nanay ko sa pag-almirol at pagplantsa nun...

First kiss...Sobrang ayoko na dapat sya maalala dahil di ko naman naging boyfriend ang mokong na naka-first kiss ko...Huhu...Kadiri pag naalala ko talaga...Pero since first blog ko ito sige na nga...Guwapo naman sya at kissable lips pa pero ewan ko ba di ko talaga sya type. Nakahalikan ko sya ng 10 minutes (ayaw ko pa talaga yun ha..) Pinilit lang talaga ako. Pramis. Sa sobrang lakas nya di nakayanan ng powers ko ang pigilan sya sa masama nyang balak. Pano nangyari at saan...next post na lang siguro...Ayoko na talaga..please...

First bf...Yung anak ng tenant namin...Haha..Walang kamalay-malay parents ko na nakikipaglampungan na ako sa kabilang kwarto, dingding lang ang pagitan...as in...Exciting di ba...He was the first to touch me all over...pero sori ha hindi nangyari yung iniisip mo...Haha...Bigla kse nagising yung sister nya na natutulog sa sofa na nasa tabi lang namin. At di na talaga naganap ang lahat ng inaasahan dahil nalaman din agad ng parents ko at di na ni-renew contract nila. In short, pinaghiwalay talaga kami at di ko na sya nakita hanggang ngayon...

First sex...Asawa ko...Kwento ko pa ba? Baka magalit sa akin. Wag na lang...

First blog, today, July 31, 2007, 3:45pm, office...
















6 comments:

nelo said...

mukhang interesting anng lovelife mo ah! hehe! aabangan ko yung sunod mong confessions :D

EDS said...
This comment has been removed by the author.
EDS said...

Nelo, interesting talaga...Di ko lang alam kung kaya ko ikwento lahat...

digital.mojo said...

@sofia bakit blogspot? way o way? haha. loyalty award kasi ako sa wordpress kaya todo pr saka marketing gnagawa ko sa wordpress. may dashboard kasi na kinaaadikan ako dun para makita ung number of page views saka mga nag-link. ur one sweet person. salamat [at tinawag mo pa akong henyo. wahoo!]

EDS said...

Ako naman magtatanong syo...Bakit pilyong sperm??? Hahaha... Genius ka talaga.. Salamat sa pag-landing...Close na tayo ha?

nelo said...

go eds! kaya mo yan...(hindi naman siguro nagbabasa ng blog mo ang asawa mo)..

uy pilyong sperm...meron din naman page views yung blogspot..yung nag link ang di ko alam..saka bakit private profile yan? haha! tago ka rin eh.